SA LANGIT
-Darwin Hernandez
(chords: D Em F#m G 
~>nasilip ko sa songhits sa bookstore..
hindi ko binili! kaya ewan ko lang kung ok,
saken pwede na nung sinubukan ko. :D )

paano kaya mapapansin
pag-ibig kong itong laging bitin
panay sulyap, puro tingin
hindi na talaga lilingunin
lagi nalang nasasaktan
puso kong itong nagdurusa
laging pinipilit, pag-ibig ko sayo ay dinggin
hihintayin nalang kita sa langit
marahil doon puro pag-ibig
siguro naman ako ay pansin
pagbibigyan sa aking mga hiling
paano kaya mararamdaman
pag-ibig mong aking asam
marahil nga doon nalang sa langit
lagi nalang kitang nakikita
tila ba isang madilim na ulap
walang kasinag-sinag
para sa aking pag-asa
ako ay may kaba, ako ay nag-aalala
kung tayo ba ay magkikita sa langit
doon sa langit, sana sa langit
ang tanging pag-asa ko nalang ay langit...

    Source: geocities.com/saints_starlight